(***To the person who wrote the email of which the excerpts are shown below, I wish you could've been less anonymous so I could properly cite your name in this log. You have written well, if I may say so...so let the world know who you are! Whoever you are, your opinions are respected and if I would be misinterpreting some of your thoughts, I take full responsibilty of it. Forgive me. ***)
Here is the first part:
So, everybody agree so far? Sa totoo lang, napakarami nang nasabi tungkol sa lintek na pulitika ng bansa natin. At sa lahat ng mga nasabi na, marami ang nagkakasundo na bulok ang sistema natin--bulok noon, mas bulok pa ngayon. Kunsabagay, sa panahon ngayon, ano ba naman ang hindi nabubulok? Lahat nasisira. Dala ng sistema, ng karanasan, ng kung anu-anong palpak na ideyang di mo alam kung saan pinupulot ng bulok ding nagdudunong-dunungan... Sino sila?
Eto ang pangalawang bahagi ng email:
...MGA CORRUPT NA GOVERNMENT OFFICIALS AND WORKERS, MGA TAMBAY NA PILIPINO NA ANG LALAKI NG KATAWAN PERO HINDI NAMAN NAGTRATRABAHO AT HINDI NAGBABAYAD NG TAX,
MGA MAYAYAMAN AT ARISTANG TAX EVADERS,
PATI MGA AKTIBISTA, NPA AT IBA PANG IDEOLOGICAL
GROUPS NA HINDI NAGBABAYAD NG TAX PERO PANG-GULO!!!
Right. I totally agree. In other words, Pasaway..Sorry, wala akong ibang maisip na salita. Pasaway. Na sa una't -una pa lang, dapat alam na nila kung anong mali nila. Taena, nangitngit ako tuwing maaalala ko na kahit minsan, hindi ko naisip na pahirapan ang bansa ko. Sa lahat ng ginawa ko sa buhay, wala akong mga batas na sinuway at lalong hindi ako nagbabalak gumawa ng ikakasira nito. Yang mga pulitikong yan, yang mga artistang yan, yang mga iba pang tax evaders at aktibista, me isip naman sila eh! Kaso nga..pasaway...
...Lagi na lang sinasabi ng mga pulitiko: Ipaglaban ang masa! Tulungan angmasa! Mahalin ang masa!
PUNYETA! MASA LANG BA ANG TAO SA PILIPINAS?
SINO BA TALAGA ANG BUMUBUHAYSA PUNYETANG BANSANG TO?
SAAN BA GALING ANG PANGPAGAWA NG MGA TULAY AT KALYE?
SAAN BA GALING ANG PORK BARREL? SAAN BA GALING ANG PERANG KINUKURAKOT NYO? KAMI NA MGA MANGGAGAWA AT MIDDLE CLASS NA BAGO Pa
MAKUHA ANG SWELDO BAWAS NA - KAMI ANG BUMUBUHAY SA WALANG KWENTANG BANSA NA 'TO!!!!!!!!! BAKIT, YANG BANG MGA MASANG YAN NA LAGI NA LANG SENTRO NG PLATAPORMA NG MGA PULITIKO
EH NAGBABAYAD BA NG TAX???!!!! F**K YOU!KAHIT ISA SA MGA NAG-RA-RALLYING MGA SQUATTER NA YAN, KAHIT SINGKO HINDI NAG-RE-REMIT YAN SA BIR!
PERO PINAPAKINGGAN BA KAMI NG GOBYERNO? LAGI NA LANG OPINYON NG MASA ANG INIINTINDI NG GOBYERNO. KUNG SINO ANG NAG-RA-RALLY, SA EDSA, SILA ANG NASUSUNOD. KUNG SINO ANG MAS MALAKAS SUMIGAW PERO WALA NAMANG ECONOMIC CONTRIBUTION,
SILA LAGI ANG FOCUS PAG MAY PROBLEMA. SILA LAGI ANG BIDA. KAMING MGA ORDINARYONG OFFICE WORKERS,OFW'S,
LABORERS AT IBA PANG NAG-TRA-TRABAHO AT
NAGBABAYAD NG TAX - KAMI ANG NAGPAPAKAHIRAP PARA BUHAYIN ANG PILIPINAS. KAMI ANG MGA TUNAY NA BAYANI NG BANSA!!!
...Tuwing nakikita ko ang payslip ko, nag-iinit ang
ulo ko at gusto kong maiyak sa inis.
Napakalaki ng tax na binabawas sa akin pero
ginagamit lang sa walang kwentang
bagay ang perang pinaghirapan ko.
Lahat ng pagtitipid
ginagawa ko para suportahan ang sarili ko,
pamilya ko at ang punyetang bansang to...
..Saan napupunta?
P****** INA! PERA KO YANG PINAPAGPAPASASAAN NYO!!!!!
Yung tax na binabayad ko, pinapangsuporta sa mga mahihirap.
Saan ba galing ang pera pangpagawa ng housing at pagtulong sa mga mahihirap, di ba sa mga manggagawa na nagbabayad ng buwis!
Pero karamihan ng mahihirap, kung
umasta kala mo inaapi sila ng sobra...
...SA TOTOO LANG NO, ANG MGA MAHIHIRAP,
LALONG NAGHIHIRAP KASI MGA TAMAD!
Ang daming mga tambay sa kalye na walang trabaho pero ang laki ng katawan.
Eh kung sila ba nagkargador sa pier eh di sana may pera sila.
TAPOS WALA NA NGANG PERA, ANAK PA NG ANAK! PUNYETA! LALO NYO LANG PINAPADAMI ANG TAMAD AT TANGA SA MUNDO!!!!!
Naaawa ako sa mga batang pakalat-kalat sa kalye at namamalimos. Imbes na nag-aaral, dumadagdag lang sila sa bilang ng mga future criminals sa Pinas.
Hindi ako magtataka na yung batang nakita kong namamalimos sa Cubao, pagkatapos ng ilang taon cellphone snatcher na.
YUNG MGA MAGULANG NAMAN DYAN, COMMON SENSE LANG! HIRAP NA HIRAP NA NGA KAYO SA BUHAY, MANGDADAMAY PA KAYO NG IBA?! PAPARAMIHAN NYO PA LAHI
NYO!
...Isa pang mga grupo ng tao na nakakainis, yung mga aktibista, NPA at kung ano-ano pang ideological political groups.
Sabi nila, mahal na mahal nila ang Pilipinas kaya pinagpalalaban nila ang kanilang mga adhikain. PUNYETA!
EH HINDI RIN KAYO NAGBABAYAD NG TAX! ANG KAKAPAL RIN NG MGA MUKHA NYO! MGA IPOKRITO! MAHAL DAW ANG PILIPINAS AYAW NAMAN MAGBAYAD NG BUWIS! BAKIT MAY BIR COLLECTOR BA SA GITNA NG MENDIOLA AT EDSA?! MAY TAXCOLLECTION BA SA BUNDOK?!
WALA DIN NAMAN KAYONG MGA TRABAHO!
KUNG MAYTRABAHO TALAGA KAYO, HINDI KAYO MAG-RA-RALLY DAHIL SAYANG ANG SWELDO NYO PAG ABSENT KAYO!
PAANO NYO MAIPAPAKITA ANG PAGMAMAHAL NYO SA PILIPINAS KUNG WALA NA KAYONG GAWANG MATINO KUNDI MAG-RALLY AT MAMUNDOK??!!! ISAPA YANG MGA MAYAYAMAN AT MGA ARTISTA, NA NANGDADAYA AT HINDI NAGBABAYAD NG BUWIS. ANG KAKAPAL NG MUKHA NYO!
ANG DAMI NYO NA NGANG PERA NANGDADAYA PA KAYO SA TAX!!!!
HINDI NYO NAMAN MADADALA SA IMPIERNO YANG MGA KAYAMANAN NYO. MASUSUNOG LANG DUN YAN. KAYA LALONG BUMABAGSAK ANG NEGOSYO DITO SA PILIPINAS, KASI MGA NEGOSYANTE MANDARAYA.
PATI SHOWBIZ
INDUSTRY, BAGSAK NA DIN. KARMA ANG TAWAG DYAN.
MGA BALASUBAS KASI...
...Kung kinakailangang magka-giyera para magtino ang mga Pilipino, ayos lang. Masyado na kasing matigas ang ulo ng mga tao dito.
Gusto ng kalayaan, pero hindi naman handang panagutan ang responsibilidad ng pagiging malaya.
Meron daw pinaglalaban na prinsipyo at adhikain pero takot namang mamatay para dito....
Marami pang pwedeng idagdag--at marami na ding nasabi. Pero sa ngayon, tama na muna to. Namnamin mo ang nabasa mo. Pakinggan mo ang katotohanan sa bawat salita nito. Di ba ang sarap magngitngit? Tama, maraming nasabi na. Pero tama na muna.
Kung sino man ang sumulat ng email na natangap ko, well-said po. I couldn't agree more. Salamat.
4 comments:
EKSAHERADONG PAHAYAG...MARAHIL TOTOO, PAGPALAGAY NA NATING TOTOO NGA.ngunit ang "bugso" ng damdamin ng sumulat ay maihahalintulad sa apoy na kumakalat ang liyab ngunit anumang oras ay maaring mabuhusan ng tubig upang ito ay mapahinto! Matapang! animo isang bayaning sumugod sa labanan...ngunit, sna'y pinanindigan na ng taong ito sa pamamgitan ng paglagay ng kanyang identidad upang ang artikulong sumisilab ay mabasa ng "MASA hanggang sa "ELITISTA" matapang ang nagsulat ngunit duwag na maihahanay...masasabi kong madali ang sumulat ng isang eksaheradong pahayag lalo na kung ito'y kabilang sa mga naapektuhan...hindi ko maitatanggi ang kagalingan ng kanyang pagsulat ngunit may mga bahagi na dapat ikunsidera...walang sinuman ang may karapatang alipustahin ang "MASA" (ako ay kabilang sa ELISTA, nga pala)...lalo na kung hindi mo naman sila binibigyan ng kanilang pagkain na kanilang kailangan!at ano ang karapatan ng siunman?...pagpalagay na tamad, o mangmang ang mga masa na ito...at ikaw ay edukado o edukada...hindi ba dapat mas malawak ang iyong pag-unawa? sana'y makarating ito sa nagsulat...sino ka man... =CINDY
And "pang-unawa", katulad ng lahat ng bagay--ay may hangganan. Hindi mo maaaring tulungan ang iba na hindi muna tumutulong sa sarili. Sinasabi mo na unawain natin ang mahihirap. Oo ba, unawain natin. Pero sa palagay mo uunlad ka sa pamamagitan na lang ng pang-unawa? Sa panahon ngayon, kung hindi ka magiging matigas, maraming makikinabang sa iyo. Sa tingin mo hindi ka pinapakinabangan ng mahihirap ngayon??? Sa bawat hingi nila ng mga kung anu-ano sa tuwing nasa parking ka na libre naman, sa tuwing pinapara nila ang sasakyan mo at nag-aasta silang pulis na kunyari ay tumutulong sa pag-usad ng trapik (ngunit lalo lamang pang-gulo), sa pagbili mo ng fake at maduming mineral water sa EDSA, sa pagkaka-snatch ng telepono ng mga kakilala mo at maging ng mga kapamilya--> sa tingin mo ba hindi nila uulitin ang mga yan kapag binigyan mo ng tsansa? Sabagay, kanya-kanyang opinyon ito. Pero tingnan natin..pumarada ka sa iskwater. Iwanan mong bukas ang kotse mo at maglakad ka hawak ang mamahalin mong celphone habang nagbibilang ka ng pera sa daan. Wala pang sampung hakbang, pinagsasaan ka na ng mga taong inuunawa mo...Care to bet?
o yah...lahat ay may limitasyon...sa maniwala ka o sa hindi, lumakad na akong may hawak na mamahaling telepono sa eskinita ng maynila, naglakad na rin ako na may dala dalang pera , ng ako ay dumating sa aking paparoonan ay wala itong kulang; mayroon nga riyan mga mayayaman pa ang mas nakakatakot; nakakapagsalita ako ng gayon sapagkat naranasan kong manirahan sa palengke na puno ng mga :masasama: (quoting from...) ngunit sya pang sanay makisama at makipagkapwa-tao... ano ba at iba iba nga ang uri at ugali ng bawat tao...
mama jing... naghahanap ako ng sites para sa work pero ito ang lumabas sa google. hehehehe. alam ko matagal mo nang post to pero lagay na ren ako ng comment. anyways... sana d lang iilan nakaka isip nitong ganitong sitwasyon. sana marami pa
Post a Comment