Di ko alam na matatapos ngayong araw na to ng ganito. Pumasok ako, halos pilitin ko sarili kong bumangon. Halos mag-absent na naman ako sa trabaho. Pero bumangon ako. Kumain. Naligo. At oo, pumasok ako. Buti na lang andun ang mga kaibigan ko. Si Mama Mel. Si Lance. Si Madge. Sila kasama ko buong gabi. Sa gitna ng trabaho, pasaglit-saglit na usap. Manaka-nakang tawanan. Ang buong gabi ay puno ng nakaw na tsismisan ng mga magkakaibigan. Masaya.
Pero sa likod nito, alam naming malungkot. Lilipat na si Madge. Nag-resign na ako. Pasunod na rin si Mama Mel at Lance. Sabi naming lahat, " So what!" Okey, so tuloy ang kuwentuhan.
Nagkukuwentuhan pa din kame nung lumapit ang boss. Tinawag ako at si Lance. Sabi namin, "Kami lang ba?" Sheet, nakakatakot yata to ah. Pumasok kame sa office ng big boss. "Lance, bad news yata to ah."
Sabi ng Operations Manager, "You have a choice to transfer to Onstar."
"What?"
"What about my resignation...?"
"They need 2 people...I thought it best to offer it to you guys first."
"Think about it. I will be here till later..."
"Give us a couple of hours, boss..."
"Oh, by the way, regarding the problem/case with HR, nobody in the team is gonna get sanctioned. We will just let bygones be bygones. It was nobody's fault anyway."
Silence. Ano daaww??
Balik ako kina Mama Mel at Madge. 2 slots lang daw..
Pa'no na to..Pa'no si Blue...Si Mac naman magreresign na no matter what...
Shet, pa'no si Mama Mel?? Usap ulit. Usap sa CR. Usap sa pantry. Usap sa office ni Miss Carlynne na ginawa na rin naming tambayan ng staff ng Bubbler Newsletter. Me isang napaluha. Tapos dalawa na. Mamaya, kanya-kanyang punas na kami ng mata. Puwet ng indio, shet.
So ayun...di ko lang namalayan talaga ang sumunod na nangyari, pero this time di na kame pumayag na dehado na naman kami. Kailangan namin ng 4 na slots. Apat! Sabi 2 lang pwede. Ayaw, di ako papayag.
Bago natapos ang araw, di ko alam kung paano nangyari, pero ganito:
Una, nalaman ko na nanalo case namin sa HR.
Pangalawa, pinagbigyan yung request to transfer to another office/account.
Pangatlo, nagretract ako ng resignation, at tanggap agad, alang problema.
Pang-apat, pinayagan ang 4 slots sa paglipat, samantalang 2 lang ang kailangan.
Pang-lima, nakapagplano kami ng Boracay trip habang nangyayari lahat ng ito. At wagka, piso lang ang roundtrip ticket! --> ha?
So, ano, spoiled ako no? Bait Niya, sabi na nga ba't nakiking Siya sa dasal eh. Tenkyu!
3 comments:
piso ang ticket pero thousands ang travel tax. but goodluck. malay mo ma-extend ang pagka-spoiled mo at maghimala ulit si Lord. by the way, i hope you don't hate me. if you have to delete me from your blogroll, that's alright. but i really hope you won't. :(
tasha!!! how dare you even suggest such a thing! me? delete you from my blogroll?? not on your life sweetie! na-ah. love your blog to bits.
hey thanks for linking me...
Post a Comment