Sabi ni joey, grumaduate daw kami ng hayskul 10 years ago today. Ganun na ba katagal? Oo, ganun na katagal. Dami na lumipas, dami na dumaan. Maraming nagbago, maraming nawala. Marami sa mga kaibigan ko noon, di ko na alam kung nasaan ngayon. Naubusan, nawalan na ako ng mga balita. Kunsabagay, college pa lang, nawala naman talaga akong parang bula. Ang huli kong yapak sa Pisay, yun yung unang Alumni Homecoming nung 1st year college ako. Ewan ko ba kasi kung bakit napadpad ako sa YUPI-ELBI nung kolehiyo. Pero ibang istorya yang Elbi na yan. No regrets naman, kumbaga. Pero saka na ang kuwento dyan. Mas naiisip ko ngayon ang hayskul. Ang weird nga eh, parang lumipas lang sa kin ang Pisay days ko na parang panaginip. Di na klaro sa kin ang maraming memories nung panahon na yun. Weird nga eh, kung tutuusin, feeling ko yun yung time na pinakamasaya ako. Pero parang ang labo na talaga ng memories ko ng Pisay days ko. Me nahanap ako na V8 tape na kinunan nung hayskul days ko. Sa dorm kase ako tumira nun, so every night, me iba't-ibang tripping mga kasama kong estudyante dun. One nigfht, naisipan naming magkuhanan ng video. Napanood ko ulit lately lang. Mukhang ang saya-saya ko sa video. As in. Pero habang nanonod ako, pinipilit ko ding hukayin ang utak ko sa kahit konting alaala man lang ng gabing yun. Wala talaga. Shet. Siguro me tama na utak ko sa daming toma at yosi nung college sa Elbi. O siguro, me epekto na rin yung walang puknat kong night life nung college ako. O kaya, naapektuhan na talaga ang utak ko sa mga maraming emotional rollercoasters na sinakyan ko. Kumbaga, nag-compartmentalize ako, at yung ibang isinara kong parts ng buhay ko, di ko na naalalang buksan ulit. Heavy ba? Ahihi. Kukuwento ko sana kung anong mga emotional rollercoasters tong mga to, pero nakow, ibang kuwento po ang college life ko. Ibang kuwento ang Elbi. So ayun, 10 years ago nga, grumaduate ako hayskul. Napakatagal na pala talaga. Marami na kong nakita. Maraming narinig at napakinggan. Medyo malayo na din ang aking mga napuntahan. Pero sa totoo lang, hindi ganun kalaki ang pinagbago ko. Naalala ko tuloy yung sinabi ng isang napakabuti kong kaibigan. Sabi niya, "Lahat tayo, freshman sa buhay. Laging nangangapa. Laging me pagbabago. Lagi tayong me matutunan." Matagal na niyang sinabi yun. Sabi ko sa kanya noon, "Mali ka." Sabi ko noon na perception lang ang pagiging "freshman". Nasa pagdadala yan. Sabi ko noon. Pero ngayon, ewan ko ba, kainin ko na lang siguro yung sinabi ko. Sa tinagal-tagal ng panahon, pakiramdam ko marami pa ko dapat matutunan. Me patutunguhan na di ko naman alam kung saan. Laging parang kung kelan komportable na ko sa sitwasyon, kelangan ko na ulit umalis at baguhin lahat. Parang meron pa akong hinahanap. Ewan. Ayon, napahaba yata ito a. Si Joey kse eh, kung anik-anik pa ang naaalala. Kunsabagay, masaya talaga ang hayskul. Lalo na sa Pisay. Me sariling mundo kami noon. Me sariling mga pangarap. Sampung taon na lumipas. Pero feeling ko Freshman pa din ako. Ano daw? Labo. Basta, ganun.
*** Nakikinig ako ngayon ng The Freshman ng Verve Pipe. Nagpaka senti na ang Jing! Nakow. ***
*** Nakikinig ako ngayon ng The Freshman ng Verve Pipe. Nagpaka senti na ang Jing! Nakow. ***
3 comments:
tsk tsk. nakakahawa kayo! tama na yang senti na yan! :))
aba.. lahat na ba kayo senti? heheh :D
daan-daan lang.. :P
manoki at sherwin! uso ngayon ang sentihan mah friends1 tag-ulan kse ngayong tag-araw! hano daw???! :) Hehe, thanks for droppin by sayson, sama kita sa links ko ha!
Post a Comment