Friday, November 24, 2006

of boats and piranhas

Sabi nila, "it ain't over till it's over." Fine, 'key fine. Alam mo sabi ko? 50% done is better than kaput. So ayan, tapos na unang hurdle. Nainterview na ko. Bahala na si batman kung anong gagawin nila dun sa mga pinagsasagot ko. Sabi nina Mayet at Shelly nung dumating ako sa floor, dapat pipiliin ko mga pinagkakatiwalaan ko. Sabi ko noon, sus naman ako pa sinabihan niyo nyan. Alam ko na kung paano iwanan ng mga kaibigan sa ere no. So ganun. So ganyan. Tuloy-tuloy lang. Ngayon ko na lang inisip ulit yung sinabi nina Mayet at Shelly. Dapat nga ginalingan ko pumili ng pagkakatiwalaan. Ayan natuto naman ako eh. Half-learning is always better than being an idiot forever.

Matagal-tagal na rin bago ako nakaramdam ulit ng kaba. Sa totoo lang, parang hindi nga ako kinabahan. Parang more of fear yung nararamdaman ko in the last 2 days. Sabi niYoda, "Fear leads to anger...and anger leads to..darkness" ba yun? Ah basta, alam niyo na yun. Hindi ko alam kung ano kinakatakutan ko. Para kasing nasa bangka ako. Nasa gitna ng dagat. Tahimik ang paligid at ni hindi umaalon ang tubig. Masaya na ako sa bangka pero alam ko darating ang araw na maghahanap na ko ng yate. So sagwan ako ng sagwan at nagpapanic na ko. Sa kaguluhan ko, baka bigla na lang tumaob ang bangka. At mahirap lumangoy ng mag-isa. Takot akong lumangoy mag-isa. Ang nakakatakot, marami pa yatang piranha sa paligid ko. Ingat ka jing, sa mga pinagkakatiwalaan mo. Magtiwala ka sa bangka mo. Magtiwala ka sa sarili mo at sa paglangoy mo. Pero ang piranha? Ingat ka.

Minsan naiisip ko kung bakit mabilis ako magtiwala sa tao. Kapag may nakikilala akong bago, 100% ang tiwala ko dyan. Habang nagtatagal kaming magkakilala, tsaka pa lang nababawasan yung tiwala ko. Dapat yata hindi ganun. Sabi nga ni papa, "Trust is earned". Magpundar ka naman bago kita pagkatiwalaan. Tsk, di na ko natuto. Pero hayaan mo, kahit madami kayong piranha sa paligid ko, parating na ang yate. May mga kaibigan ako dun. Matagal na nilang inaabot kamay nila para makaalis ako sa tubig. Kung ma-delay ang yate ko, don't worry me bangka ako. At yung mga piranha? Tsk, tsk, wag na sila umasa, di nila ako masasaktan.

Tuesday, November 14, 2006

and so it was...

"Mauna na ako."
"Hanggang dito na lang ako."
...and it ended this way.

Saturday, November 11, 2006

wheels are turning

...click.
they started turning again.
these wheels.
in my head.
...click.
just like that.
keep 'em coming baby. let it roll.
i'm on fire.
motion without friction.
whirlwind.
fast and furious.
these guys keep my sanity.


Mt. Makiling - October 2006