minsan sa buhay, nakakapagod maghintay. napakahirap magpasensiya. akala mo wala ng hanggan ang pagbibigay mo. pero sa huli, pag andun ka na sa lugar na pinangarap mo, hindi pala yun ang totoong hinintay mo. ang totoo, papunta ka pa lang, okay ka na. tama sila, nasa byahe ang sarap, wala sa destinasyon.
nung bata ako, nakipagpustahan ako sa nanay ko na sa UP ako magaaral. ni hindi ko pa nga alam kung ano talaga ang UP, basta naririnig ko lang sa tito ko na tiga-UP rin. nag-UP nga ako, pero wala dun ang hinahanap ko.
nung nasa kolehiyo ako sa ELBI, wala akong gustong gawin kundi mag-perform sa teatro. lahat ng venue nagawa ko na, pero wala akong pinangarap kundi magperform din sa Umali Hall, yung main auditorium namin. sabi ko sa sarili ko noon, one time big time lang, pwede na ako magpursige para grumaduate. nagperform nga ko. director at writer ko palanca awardee pa. pero di ako grumaduate.
pagpasok ko sa trabaho, sabi ko sa sarili ko, okay kahit anong posisyon, kahit kiss-ass muna ako. kahit di ko na magamit degree ko. at kahit di na ko magturo kahit yun ang plano ko sa karera ko, basta mataas suweldo. andito ako, okay fine, kumikita 'ko nang sobra sa kailangan ko. bakit gusto ko pa rin magturo?
marami sa mga bagay na pinapaniwalaan ko ngayon, parang nakaplano lahat. may mga bagay na gusto kong abutin, unti-unti kong inaayos para makuha ko. lahat ng ginagawa ko, lahat ng pagpaplano ko, lahat ng sakripisyo, lahat yan ay para matupad ko pangarap ko. pero minsan nakakabagot. nakakapagod maghintay. napakahirap magpasensiya. dahil kadalasan, kahit alam kong andun na ako, hindi pa rin pala ako masaya.
ganun.
3 comments:
ganun talaga jing... ang mga gusto ng tao yung wala sa kanila... kasi kung nasa kanila na di na nila gugustuhin...
isipin mo na lang na sa iyong paglalakbay at paghintay... maswerte ka at meron kang mga kasamang bumabyahe din...
naiinip...
nagpapasensiya...
traffic lagi eh!
Jing.
Para sakin ang ultimate na gal ng tao sa mundo is contentment. When you're content, you might as well die.
Ako ayoko pang mamatay. Haha.
Ayos lang maghanap, magutom...manugapa...
pao at shelly,
sa totoo lang, isang malaking hay! As in hainaco! :)
Post a Comment