Friday, August 26, 2005

salamat sa reply

..at nagbasa ako. at nagtanong. at sumagot ka. ngiti lang ako.
lagi kong binabasa blog mo. at kahit papano, kilala kita, sa tingin ko. sabi mo nga, okay kayo. mabuti naman. dahil kayo ang nagbibigay ng rason kung bakit sa tingin ko, naging tama rin ako.
maliit nga lang ang mundo. at ikut-ikutin ko man, ang balik ko'y dito rin lang.
sumabay ako minsan sa panahon. na hindi inaalala kung sinong katabi at kasama sa patutunguhan.
pero naiwan ako.
ewan ko, mabagal yata ang ikot sa akin. pero di ko na iniisip yun. darating din naman ako eh. kung huli man, hindi naman ako napagod. at hindi ako nagmadali. katulad ng iba.
kaya, sa inyong dalawa, kayanin niyo ha. dahil sa inyo ako kumukuha ng rason. dahil hindi ko iisipin na nagkamali ako, basta't nandyan kayo.
sabi mo nga, magkapaltos ka man, me band-aid naman. patuloy akong maglalakad. napilayan ako minsan, pero maging buto pag nabali, naghihilom din.
pahilom na to. bukas, lakarin ko EDSA. sa susunod, malay natin. maraming sulok tong maliit na mundo ko. isa-isahin natin.
pag napadaan ka dito, alam mong sayo to..

No comments: